Sunday, October 17, 2010

MAMBABASANG PINOY REVIEWS N.O.T.S

I find it very amusing how bloggers are the ones who most often complain about the hassle of going on-line to check out stuff they'd like/need to find out more about. As a journalist who started out with just landlines, phone books, snail mail and good old legwork, I tell you it's really really nice not to have to go to an interview cold. 

I digress. This is a confusing review at best, but at least he took the time to write all his thoughts down. Thanks, bro. The original post is here



Oktubre 7, 2010, 8:34 umaga 
Excited ako ng bilhin ko ang librong ito.  Tulad ng maraming Pilipino, mahilig ako sa mga horror stories.  Kumpleto ko nga ang lahat ng libro ni Stephen King.  Mahilig din ako magbasa ng mga True Philippine Ghost Stories na libro.  Kayat masaya ako sa kuwentong katatakutang ito na sulat ng isang Pinoy. 

Nang buksan ko ang librong ito, bigla akong napaisip: Sino ba ang mga taong ito na pumupuri sa librong ito?  Dapat ba ay kilala ko sila? Well, buti na lang at nandyan si kaibigang Google.  Aba’y, mga kilalang personalidad naman pala ang mga taong ito.  Bakit hindi na lang nila nilagay kung sinu-sino sila?  Nag-research pa tuloy ako.  Pwede naman nilang ilagay:  Carljoe Javier, author of And the Geek Shall Inherit the Earth.  Di ba?

Anyways, ang librong ito pala ay hindi isang nobela, kundi apat na maiiksing novellas.  4 Novellas of Horror, sabi nga sa title page.  Ito ay ang Angelorio, News of the Shaman, Faith in Poison, at Bright Midnight. Medyo magkaka-konekta ang apat na ito bagamat stand-alone stories naman sila.  Sa kabuuan, maganda ang pagkakasulat sa libro.  Hindi ito masyadong masalita tulad ng ibang mga nobelang ingles na gawa ng ibang Pilipino na para bang ipinagmamalaki ang laki ng kanilang bokabolaryo.  Makatotohanan din ang mga dialogue, hindi masakit sa tenga.  Makikita mo rin ang iba’t ibang personalities ng mga karakter sa kuwento.  Matagumpay ito bilang isang literary fiction.  As a source of entertainment, well…

Sa Angelorio, dalawang lalaki, sina Raul at Lucas, ang naghahanap ng kasagutan sa kani-kanilang mga katanungan.  Matatagpuan nila ito (o hindi matatagpuan) sa isang club na pinatatakbo ng mga nilalang ng kadiliman.  Ang Angelorio.  Nagustuhan ko ang istilo ng awtor kung saan nagpapasalit-salit ang pagsasalaysay ng mga nangyari sa dalawang lalaki.  Nakakadagdag ito ng suspense at tension.  Nagustuhan ko rin ang mga stories na nakapaloob sa kuwentong ito, ngunit para medyo misplaced sila at parang wala namang kinalaman sa kuwento.  Kahit medyo marami na ring mga kuwentong naisulat na katulad ng Angelorio, medyo naging unique naman ito dahil sa paggamit ng awtor ng mga nilalang at mga ritwal mula sa kulturang Pilipino.
Nagustuhan ko namang mabuti ang News of the Shaman. Nakakapukaw ng interest ang alternative reality na iprinisinta sa kuwentong ito.  Dito, ang mga shaman, salamangkero, at paganismo ay isang pangkaraniwang bagay lamang at normal na parte ng ating buhay.  Maganda rin ang istilo ng pagkukuwento, sa pamamagitan ng mga radio broadcasts, interviews, at mga newspaper clippings.  Medyo nabitin lang ako sa ending dahil parang naging parang si Batman ang bidang Shaman.

Hindi ko naman masyadong na-gets ang kuwentong Faith in Poison.  Siguro ay mayroong malalim at lihim na kahulugan ito ngunit sa kasamaang palad ay hindi ko ito natuklasan.  Pasensya na po dahil ako’y isang simpleng mambabasang Pinoy lamang.  Ang kuwentong ito, na masasabing karugtong ng Angelorio, ay tungkol kay Lucas at sa naging buhay niya pagkatapos ng kanyang di malilimutang karanasan sa Angelorio.  Naging isang addict siya at parang walang direksyon ang buhay.  Tulad ng Angelorio, mayroong ilang mini-stories dito na para bang walang kinalaman sa kuwento.  Parang pangpakapal lang.  Hindi mo alam kung ang mga nangyari sa kuwentong ito ay totoo o dulot lamang ng droga.  Siguro ay maiintindihan mo ang kuwentong ito kapag high ka din sa droga.

Ang huling kuwento ay ang Bright Midnight.  Tungkol ito sa buhay ng isang banda matapos magpakamatay ang kanilang gitarista.  Hindi ko talaga alam kung anong masasabi ko sa kuwentong ito.  Hindi naman ito horror story, at least, hindi yung horror na kilala natin.  Siguro ay ipinakikita sa kuwentong ito ang tunay na horror ng buhay, mga problema at hirap na kailangang harapin ng tao sa mundong ito kasama na ang pagkawala ng isang mahal sa buhay.

All in all, masasabi kong medyo misleading ang paglalagay ng subtitle na 4 Novellas of Horror (dapat siguro ay Sex, Drugs, and Alcohol na lamang ang inilagay).  Although narito ang mga bampira, manananggal, kapre at kung anu-ano pa, hindi naman sila ang sentro ng kuwento.  Para bang extra lamang sila at kung aalisin mo sila at palitan ng mga pangkaraniwang tao, walang magbabago sa istorya.  Mas ipinakita rito ang mga kadiliman na nasa puso ng tao at sa mga katatakutan na kinakaharap natin sa totoong buhay.  With 183 pages, masasabi kong masyado itong maiksi.  Hindi ko alam kung sinadya ba ito ng awtor o ito ay isang limitasyon ng mga publishers dito sa atin.

Magugustuhan ang librong ito ng mga young adults, lalo na yung mga college students.  Pwedeng-pwede nila itong gawing subject sa discussion sa klase o kaya naman ay gawing thesis.  Pwedeng-pwede itong pagdebatihan ng mga cum laude.  Ano ba ang sinisimbolo ng Angelorio?  ng kerubin? ng manananggal?  Ano ba ang ibig sabihin ng Afterword?

Kung gusto niyo namang matakot at ma-entertain, nandiyan naman ang True Philippine Ghost Stories.
Overall Rating: 2.5 Stars

3 comments:

Unknown said...

Hi, Tzaddi. Do you co-own this blog with Karl de Mesa? I'm Eva Gubat and I was wondering how I can contact Karl. Maybe you can help me? I work for a magazine, and I'm hoping to tap Karl to write a magazine article. Sorry to inconvenience you. Thanks!

Unknown said...

Hi, Tzaddi. Do you co-own this blog with Karl de Mesa? I'm Eva Gubat and I was wondering how I can contact Karl. Maybe you can help me? I work for a magazine, and I'm hoping to tap Karl to write a magazine article. Sorry to inconvenience you. Thanks!

tzaddi salazar said...

hi eva.

you may get in touch with karl about this at karl.demesa@gmail.com. cheers